|
|
Minsan sa buhay natin di talaga natin maiiwasan na malalamangan tayo, may nandaya satin, paratangan ng kung ano ano, may mainggit satin… Ako pag nararanasan ko yan iniisip ko nalang na siguro minsan din na di ko nararamdaman nakakasakit din ako sa iba kaya quits nalang. Pero pag pamilya ko gagawan ng masama magkamatayan na tayo… May isang tao lang gagawa ng masama sa pamilya ko uubusin ko sampu ng mga kalahi nya… hahahha… (char lang di naman ako ganun ka bayolente, mga lima lang siguro).
Ahmmmmm… (Hinga ng malalim) Ang sure na sure ako sa ugali ko na medyo bad eh, minsan kasi masyado akong observant, hehehe, lahat nalang napapansin ko… Lalo pa pagpinakitaan ako ng masama kahit isang beses lang, tatandaan ko yan, at hihintayin ko ang panahon na ibabalik din sayo yan… Kung hindi man sigurado meron talagang balik yan. Pero inaanim ko naman yan pero sure na sure ako na sa mga bad lang din ako nagkakaganyan, kung mabait din naman nagiging maganda na din yun sa paningin ko… Ewan ko ba kung ba’t ako ganito basta may ginawang masama ang isang tao sakin hindi ko talaga makakalimutan, magkaayos man kami or napatawad ko na di ko pa rin nakakalimutan ang kasalanan nya sakin… Siguro isa sa mga phobia to… hehehe…
Ang isa pang bad sa ugali ko, pag gamit ko ayaw ko na pinakikialaman yun kung pakikialaman man yun dapat magpaalam muna sakin. kasi alam ko lahat ng pagkapwesto nun, kung sang nakaharap ang perfume ang powder and lotion (hehehe). Tapos gusto lahat ng nalinisan ko, bawal na magkalat dun. Ayaw ko din na kinalakat kalat lang kung saan saan ang mga gamit na hiniram sakin… Oras na may sumuway sa rules ko ayun gyera talaga or never ka na makakahiram...
Ang isa pa sa di ko nagustuhan sa sarili ko eh, di ako marunong magdetermine kung nanliligaw ba or friendly lang talaga ang isang tao (sa mga boylets to)… Kasi minsan kung iiwasan mo naman yung isang tao tapos as friend lang naman pala talaga treatment nya sayo, halers! questionin ka pa kung Diyosa ka ban g kagandahan… Or minsan kasi yung mga boys parang nang titrip lang, eh cyempre dahil sa akala mo trip lang makikisabay ka lang din tapos late na nung marealize mo na inlababo na pala sya…. Waaaaaaa… nagkaron ka na tuloy ng kasalanan. Ikaw pa lumalabas na nagpapaasa chuvaness… Yung matindi dito mga jelling party, yung tatawagan ka dis-oras ng gabi or kahit na anong oras tapos aakusahan ka na nang-aagaw… hahaha… Mga shet sila, seryoso ako sa bf ko nu, 1st bf ko yun and hope to be the last… tapos aakusahan na nang-aagaw ng boylet, what? never in my dictionary in baul… Sabagay ang mga nang-aakusa lang naman nyan yung mga hindi ako kilala, at sigurado ako naghahanap lang ng mapagbabalingan… kawawa naman, aha… Siguro ugali nila yun yung mang-agaw ng jowa hahaha… kaya ayun akala nila nakarma na sila…
Kung may nagawa ka nga namang kasalanan habang buhay mo talaga dadalhin… Kaya ngayon dapat iwas kasalanan na talaga ako… Di bale ng magmukha akong tanga sa kakasigaw ng iba, alam naman siguro ni Bro yun at babantayan nya pa rin ako. Di bale ng ako ang masaktan di lang ako makapanakit, Di bale ng madugasan ako kasi for sure triple pa ang balik sa nadugas sakin… Proven na to mga kapatid, kaya sige dugasan nyo pa ako… hahahaha… At sa mga nagbabalak ng masama sakin, madapa ka sana, at matauhan syempre…
Hanggang sa muli…..
Categories: Personal